magaling! magaling!

"Eng ka ren? So, magaling ka sa Math?"
Lagi sa'kin tinatanong yan sa trabaho. Pano ba naman ang mga kasama ko dun ay mga CompSci, ChemEng, MechEng, IE, may konti ring EngEng (E ano kung corny?!). Pero siyempre bilang sagot, ngingiti na lang ako at sasabihing hindi po ako taga Eng ng UPD, taga UP Manila po ako, Biology po ang tinapos kong kurso, at sa tingin ko po, mas magaling ako ng di hamak sa Science kesa sa Math.
Naku wag ka, palagay ko gumagaling na nga talaga ako sa math. Pero, hindi naman tulad ni magna cum laude Annalyn. Hehe!. Nababalikan ko na kasi yung algebra at geometry ngayon. Pati nga problem solving ay naaaral ko na rin e. Susunod na siguro dun ang Calculus. Oo, nabasa mo ng tama yan, KALKYULUS.
Nakagraduate naman na ako ng matiwasay sa UP kaya siguro hindi ko na dapat ikahiya ng todo ang mga kapalpakan ko sa math sa UP. Sige na, nag-take-two na ako sa lahat ng math subjects ko. Singko na ko sa unang take ko lahat. Di ako umabot ng removals. Sige tuksuhin mo na ako. Camon Mamon! Bakit ako mahihiya? Saan ako nagkamali? Diba, ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin?!
Malupit talaga yung pagpasa ko sa Calculus, akalain niyong muntik pa akong hindi makagraduate dahil dun. Isa pang rebelasyon - OO NA, tatlong beses na akong nagexam ng pinagsamang finals at removals makapasa lang. Salamat kay Sir Jobert na naniwala sa kakayahan ko. Salamat po, Sir. May gip po kayo mula sakin sa Christmas. Hehe!
Ayan, sinabi ko na ha. Wag niyo na lang itanong ang grades ko sa Physics at Chem, pati sa Biostatistics. Isama niyo na rin yung NatSci8. Hahaha!
Syempre hindi naman talaga ako prud na ibinigsak ko ang mga subjects kong yun. Sa totoo lang, nagsisisi nga ako. Pangit kasi sa transcript e. At saka pangit rin yun sa employers. Minus points agad yun baka hindi pa ako tanggapin. Bata pa kasi ako nung e. Alm niyo na.. Hehe! Balang araw naman, maiintindihan ko rin yang mga numero. Mas magiging magaling din naman ako sa palagay ko. Sa maniwala kayo't sa hindi, medyo nagiging interesado na ako sa pagsolve-solve ng mga math problems ngayon. Hindi na ako tulad nung batang kalbo sa Dragon Ball Z dahil hindi na ako nanghihina sa tuwing makakaita ako ng mga equations o integrals. Inspired na kumbaga. Sayang nga lang at nahuli na 'tong interes na 'to sakin. Hehe!
----------------
Now playing: The Magic Numbers - Love's A Game via FoxyTunes

0 Comments:
Post a Comment
<< Home